Ano Ano Ang Limang Tema Ng Heograpiya? , Ano Ano Ang Ibig Sabihin Nito?
Ano ano Ang limang tema ng heograpiya?
Ano ano Ang ibig Sabihin nito?
Answer:
Ang Limang (5) tema ng heograpiya ay ang mga sumusunod:
Lokasyon - tumutukoy ito sa kinaroroonan ng mga tiyak na lugar sa ating daigdig. Karaniwang pinag-aaralan nito ang mga longitud at latitud, mga territoryo at ang layo ng bawat lugar sa isat isa.
Lugar - ay ang mga natatanging katangian na matatagpuan sa isang lugar. Ang pagkakabuklud-buklod ng magkaparehong kultural at katangiang pisikal ng isang lugar ay pinangalanang rehiyon.
Rehiyon - ay ang klaster ng mga lugar sa daigdig na may magkakatulad na katangian.
Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran - ito ay ang relasyon o ang pakikipag-ugnayan ng tao sa isang lugar na siyang pinagkukunan nito ng pangangailangan.
Paggalaw - tumutukoy sa pagkilos o paglipat ng mga tao sa naunang lugar patungo sa isa pang lugar.
Comments
Post a Comment