Ano Ang Mga Ibigsabihin Ng Mga Salawikain ?
Ano ang mga ibigsabihin ng mga salawikain ?
Answer:
Ang mga salawikain, proverbs o sayings ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga katuruan o pilosopiya sa Pilipinas. Maaari ring mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan o basahin ang mga ito.
Mga tradisyonal na kasabihan ang mga salawikan na ginagamit ng mga Pilipino at ang mga ito ay nakabatay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya sa Pilipinas.
Ayon sa mga akademikong sulatin, kapag daw ginamit sa pang-araw-araw na buhay lalo at sa mga pag-uusap o pakikipagdiskurso, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o kaisipan ng paliwanag o dahilan
"Ang taong hindi marunong lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan" ay isa sa pinakatanyag na salawikain ng mga Pilipino. Isa itong salawikain Tagalog na nagpapahayag at humihikayat na bigyang pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at pinag-ugatan. Sinasabing dahil sa salawikaing ito, nagkaroon tayo ng kulturang pagtanaw ng mga utang na loob.
Ang mga salawikain ay inilalarawan bilang mga palamuti sa wika lalo na sa wikang Filipino ng Pilipinas.
Ang mga ito ay ang mga pananalita ng mga ninuno natin na naisalin ng isang salinlahi sa pangkasulukuyang mamamayan at isasalin pa sa mga susunod pang henerasyon.
Ang mga salawikain ay ginagamit bilang karunungang natutunan mula sa ating mga karanasan, na nakapagsasaad ng ating mga damdamin, paglalahad, o kahit pa pati mga opinyon.
Bukod din rito ay nagagamit din natin ang mga salawikain para hindi makasakit o makainsulto ng ibang damdamin ng tao.
Sa katunayan ay may isa tayong salawikain para sa ganito, iyo ay ang katagang "Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit."
Ayon sa ating tradisyon, sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga salawikain at paghahalo ng napapanahong kasanayan, maaaring maipahayag ng isang tao ang kaniyang awa't paglalagay ng kaniyang sarili sa ibang katauhan o mararamdaman ng tao.
Comments
Post a Comment