Ano ang mga ibigsabihin ng mga salawikain ? Answer: Ang mga salawikain, proverbs o sayings ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga katuruan o pilosopiya sa Pilipinas. Maaari ring mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan o basahin ang mga ito. Mga tradisyonal na kasabihan ang mga salawikan na ginagamit ng mga Pilipino at ang mga ito ay nakabatay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya sa Pilipinas. Ayon sa mga akademikong sulatin, kapag daw ginamit sa pang-araw-araw na buhay lalo at sa mga pag-uusap o pakikipagdiskurso, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o kaisipan ng paliwanag o dahilan "Ang taong hindi marunong lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan" ay isa sa pinakatanyag na salawikain ng mga Pilipino. Isa itong salawikain Tagalog na nagpapahayag at humihi...